'Manlolokong'multinational firm AKSYON NGAYON Ni Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) Updated December 19, 2009 12:00 AM |
ISANG multinational firm ang dawit sa kontrobersya. Isang babaeng regional sales manager (RSM) nito sa Central Luzon ang “nang-onse” ng mga distributors. Ang kompanya ay gumagawa ng dairy products. Umaabot sa US$16-billion ang tinubo nito para lang sa taong 2008.
Lima sa anim na distributors nito ang natangayan ng “daang-milyong piso.” Sa marketing setup ng kom panya, ang mga regional sales manager (RSM) nito ay nag-utos sa mga distributors na magbigay ng discount sa mga customers.
Inutusan ng lady RSM ang mga Central Luzon distributors na magbigay ng walo hanggang sampung por syentong diskuwento sa isang “espesyal na customer” na malakihan kung humango ng produkto. Nangako ang lady RSM na ibabalik sa distributors ang sobrang discount. Kaugnay nito, may written commitment ang lady RSM na nakasulat sa letterhead ng multinational firm. Ang mga produktong hinango ng favored customer mula sa Central Luzon ay binayaran ng tseke sa mga distributors. Tapos, ibinebenta ang mga produkto sa mga wholesalers sa Metro Manila.
Noong Hulyo ay nagtalbugan ang mga tsekeng inisyu ng favored customer na ibinayad sa limang distributors. At ang grabeng nangyari, hindi nai-deliver ang mga produkto sa mga wholesalers na nagbayad ng cash advance. Umaabot daw sa P30 milyong halaga ang nata ngay sa isa sa mga distributors. Samantala, hindi naman malaman ng isang wholesaler kung papaano mababalik sa kanya ang P22 milyong ibinigay niya sa favored customer bilang advance payment. Kaya pala, ang asawa ng lady RSM ang nagpapatakbo sa negosyo ng favored customer. Malinaw ang anggulong sabwatan.
Agad namang ipina si yasat ng multinational firm ang pangyayari pero sina bing wala silang sa gu tin sa ginawa ng lady RSM. Wala yatang corporate ethics ito. Kasalanan ng kanilang top executive sa bansa eh ayaw nilang panagutan? Grabe iyan!
No comments:
Post a Comment